Saliksik ng Pag-Ibig

By: Jenevie G. Arimbuyutan

Heto na naman ako, litong-lito dahil sa’yo
Kulang sa tulog, dahil ikaw lang ang nasa isip ko
Nalilipasan ng gutom, dahil ikaw ang inuuna ko
Lahat ay ginagawa ko para lamang i-APPROVE mo
 
Para kang TOPIC sa RESEARCH PAPER ko
Ikaw kasi ang pinagmulan ng paghihirap ko
 
Pero sana gaya ng RESEARCH na ipinaglalaban mo
Balang araw, magawa mo ring ipaglaban ako
 
Alam kong isa lang akong WORKING TITLE para sa’yo
Kasi pwede mo akong palitan kapag ginusto mo
 
‘yung OBJECTIVE sa RESEARCH ko, alam kong may patutunguhan
Pero pagdating sa’yo, hindi ko alam kung PURPOSE mo ba talagang ako’y pahirapan
 
Kailan mo kaya ako gagawing RESEARCH PROBLEM na dapat sagutin
O kaya ay DEADLINE na dapat habulin
 
Mabuti pa nga ang STUDY, may SIGNIFICANCE
Ako kaya sa’yo, kailan?
 
Ang hirap kasi ikaw, SAKLAW mo ang buong oras ko
Pero ‘pag ako, ang daming LIMITATIONS sa’yo
 
Can you DEFINE me OPERATIONALLY
Para naman alam ko kung anong FUNCTION ko sa buhay mo
 
Ang hirap kasi ‘yung puro ako INPUT sa PROCESS ng panunuyo ko
‘yun pala, palpak naman ang OUTPUT ng lahat ng ginagawa ko
 
Hiniling ko minsang sana LITERATURE na lang tayong dalawa
Para naman may pag-asang maging RELATED tayo sa isa’t isa
 
Tapos to avoid PLAGIARISM, dapat may proper CITATION
To stop us from owning something that isn’t our possession
 
Ginagawa ko naman ang METHODS na alam kong akma sa’yo
Pati ETHICAL ISSUES mo, pinangalagaan ko
 
Ang hirap lang kasing i-ANALYZE ang mga sinasabi mo,
parang pagkuha ng MEAN, FREQUENCY COUNT at PERCENTAGE
Hindi ko tuloy alam kung saang banda ako may advantage
 
Pero bakit ganun ang VERBAL INTERPRETATION mo sa akin
Ang SCALE ay 1, ang RANGE ay 1.00-1.75 which means I NEED AN IMPROVEMENT
 
‘yung NO SIGNIFICANT RELATIONSHIP na lumabas sa COMPUTATION ko
Minsan sa RESEARCH, pero mas madalas tayo
 
Sana kasi IN-VIVO CODING ka na lang, parang ako
“What you see is what you get” ako sa’yo
 
Gusto kong malaman ang RESULTS ng ginagawa ko,
para alam ko rin kung kailangan pa natin ng DISCUSSION
O ititigil ko na ang pag-DEFEND ko, at tatanggap na ako ng ibang RECOMMENDATION
 
Ayoko namang magmadaling magbigay ng CONCLUSION
Baka magisa ako at madagdagan pa ang REVISION
 
Pero alam mo… Kahit kasing hirap kang intindihin ng RESEARCH…
Hindi kita kayang titigan lang…
 
Dahil kagaya ng RESEARCH na pinaghirapan…
Handa kitang ipaglaban…

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *